Watch and track your favorite playlist.
Curated by: Pinoy Big Brother (133 videos)
Umabot na sa susunod na bahagi ng Bahayanihan task ang mga housemates — kailangan nilang i-stack ang diorama ng limang grupo sa isang tower na aabot ng 10 feet! Binigyan sila ni Kuya ng pagkakataon na mag-practice bago ang mismong challenge. Matapos nito, nagkaroon din ng heart-to-heart moment sina Eliza at Miguel tungkol sa kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. Sa practice round, nakabuo agad sila ng strategy at naging matagumpay. Pero pagdating sa actual challenge, mas naramdaman na nila ang tensyon at pressure ng task. Nang malapit na matapos ang oras, nabagsakan ng cups ang ika-apat na grupo, dahilan para masubok ang kanilang teamwork at kakayahang manatiling kalmado. Sa huli, hindi nagtagumpay ang housemates sa kanilang pangalawang weekly task. Naging emosyonal ang mga task leaders na sina Joaquin at Waynona, na kapwa nakaramdam ng disappointment sa naging resulta at hindi naiwasang ihalintulad ito sa kani-kanilang pamilya. Pero pinaalala ni Kuya na ang failure ay hindi kabaligtaran ng tagumpay, kundi bahagi ng proseso papunta rito. Subscribe to Pinoy Big Brother channel! - http://bit.ly/PinoyBigBrotherOfficial Visit our official website! https://pinoybigbrother.abs-cbn.com Follow us on our social media accounts: Facebook - https://www.facebook.com/PBBabscbntv Twitter - https://twitter.com/PBBabscbn Instagram - https://www.instagram.com/pbbabscbntv/ Kumu - https://app.kumu.ph/PBBabscbn TikTok - https://www.tiktok.com/@pbbabscbn #PinoyBigBrother #PBBCollab2point0 #PBBCollab20Tore