Watch and track your favorite playlist.
Curated by: Pinoy Big Brother (133 videos)
Day 100: Sa pagsisimula ng PBB Bistro, maayos na naisagawa ng mga Housemates ang pagse-serve sa unang batch ng customers. Ngunit pagdating sa ikatlong batch sa unang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng bistro. Bagama’t natapos at na-serve pa rin ang lahat, hindi naging satisfied ang weekly task leader na si Sofia sa naging performance ng grupo. Sa pagtatapos ng araw, nagpaalam na rin ang houseguest na si Kelvin Miranda sa mga Housemates. Sa pagsisimula ng araw, bumisita sa Bahay ni Kuya ang houseguest na si Barbie Imperial. Pinagluto niya ang mga Housemates ng Bicol Express at nagbigay ng payo, lalo na’t naranasan din niya ang pagiging isang housemate. Pag-alis ni Barbie, naghanda na ang mga Housemates para sa huling araw ng PBB Bistro. Matapos ma-serve ang huling batch ng customers, inanunsyo na rin ang naging resulta ng weekly task. Maya-maya, nasaksihan ang isang emosyonal na gabi sa Bahay ni Kuya sa paglabas ng sixth evictees na sina Sofia at Eliza. Subscribe to Pinoy Big Brother channel! - http://bit.ly/PinoyBigBrotherOfficial Visit our official website! https://pinoybigbrother.abs-cbn.com Follow us on our social media accounts: Facebook - https://www.facebook.com/PBBabscbntv X - https://twitter.com/PBBabscbn Instagram - https://www.instagram.com/pbbabscbntv/ TikTok - https://www.tiktok.com/@pbbabscbn #PBBCollab20Bistro #PBBCollab20 #PinoyBigBrother